Bayan ng Teresa wagi sa YES Program Recycled Christmas Tree sa lalawigan ng Rizal; bayan ng Montalban itinanghal na 2nd place
Ang bayan ng Teresa sa lalawigan ng Rizal ang nagwagi sa YES Program Recycled Christmas Tree sa lalawigan ngayong taon.
Taun-taon ay inaabangan ang pa-contest na ito ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal.
Gamit ang mga recycled materials ay nagtayo ng naglalakihan at naggagandahang Christmas Tree ang bawat bayan sa lalawigan.
Ngayong taon, nagwagi ang bayan ng Teresa bilang 1st Place.
Habang ang bayan naman ng Montalban ang 2nd Place. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkamit ng pwesto sa nasabing contest ang Montalban simula ng ilunsad ang YES Program Recycled Christmas Tree.
Itinanghal naman na 3rd Place ang Binangonan.
Samantala, sa Recycled Belen naman, nagwagi ang bayan ng Morong (1st Place), San Mateo (2nd Place) at Teresa (3rd Place).
Habang sa Municipal Facade, wagi ang Jalajala (1st Place), Baras (2nd Place) at Cardona (3rd Place).
Ayon kay Rizal Governor Nina Ynares, layunin ng nasabing programa na i-promote ang pagmamahal sa kapaligiran.
“Let this contest inspire us even more to support our YES Program and protect, conserve and RECYCLE for a cleaner, greener future for all Rizalenyos,”. ani Ynares. (Dona Dominguez-Cargullo)