Full Alert Status ng PNP epektibo na ngayong araw
Epektibo na simula alas-12:01 ng madaling araw ngayong Biyernes (Dec. 15) ang pagtataas ng Full Alert Status ng Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Kasabay nito ay ipatutupad na rin ng PNP ang “No Leave Policy” sa kanilang mga tauhan.
Ayon sa PNP mayroong humigit-kumulang 40,000 na mga pulis ang ipakakalat para magtiyak ng seguridad sa iba’t ibang bahagi ng baansa.
Kasama na ding babantayan ang idaraos na pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.
May ipinakalat din ang PNP na 436 Police Service Dogs para sa explosives at illegal drug detection.
Magiging katuwang ng PNP sa pagsiguro ng seguridad ngayong kapaskuhan ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Local Government Units (LGUs), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang force multipliers. (Dona Dominguez-Cargullo)