Presyo ng magandang klase ng bigas umaabot na sa P60 ang kada kilo
Umaabot na sa P60 kada kilo ang presyo ng magandang klase ng bigas.
Sa panayam sa Radyo Pilipino sinabi ni Raul Montemayor, national manager ng Federation of Free Farmers sa ngayon ay naglalaro na sa P30 ang bentahan ng kada kilo ng palay.
Kung ico-convert aniya ito sa bigas, ay aabot na talaga sa P60 ang kada kilo.
Sinabi ni Montemayor, ang presyo ng bigas ay depende sa variety nito at depende din sa milling quality.
Pinaalalahanan din ni Montemayor ang publiko na iwasan na ang pag-aaksaya ng kanin.
Aniya, dapat ay magsaing lang ng sapat na kayang ubusin para walang nasasayang at hindi natatapon. (DDC)