Pagpapatupad sa TUPAD Program ng DOLE nais busisiin sa Kamara

Pagpapatupad sa TUPAD Program ng DOLE nais busisiin sa Kamara

Nais ng mambabatas mula sa Maynila na mabusisi ang pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa panayam sa Radyo Pilipino, sinabi ni Manila 2nd Dist. Rep. Rolando Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development na sa pagbabalik ng sesyon ng kongreso ay isusulong ang imbestigasyon sa programa.

Sinabi ni Valeriano na marami siyang naririnig na reklamo hinggil sa anomalya sa pagpapatupad ng TUPAD Program na aniya ay talamak at paulit-ulit na lamang.

Sa panig ni Valeriano, sa tingin niya ay may kakulangan sa accountability sa pagpapatupad ng programa.

Marami ring reklamo na hindi talaga nakakarating sa totoong mga benepisyaryo ang pondo para sa TUPAD Program at naibubulsa lamang ng ilan.

Ani Valeriano, magandang proyekto ang TUPAD kaya dapat ay maibaba talaga ito sa taumbayan na totoong nangangailangan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *