Guided tour sa nag-iisang kweba na matatagpuan sa Metro Manila, papayagan ng DENR

Guided tour sa nag-iisang kweba na matatagpuan sa Metro Manila, papayagan ng DENR

Papayagan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mabisita ng publiko ang kaisa-isang kweba na matatagpuan sa Metro Manila.

Ang Apugan Cave II ay matatagpuan sa loob ng La Mesa Watershed sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Government, hindi pa bukas sa publiko ang kweba subalit para sa mga interesadong  bumisita dito, maaaring makipag-ugnayan sa DENR-NCR para makapag-schedule ng guided tour.

Kamakailan ay nagsagawa ng site visit ang DENR-NCR at ang QC Government ssa nasabing kweba.

Layunin ng site visit na makabuo ng comprehensive communication plan para higit pang mapakilala at mapalago ang bagong tagpong kweba. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *