State of calamity posibleng ideklara sa Lapu-Lapu City matapos ang malaking sunog

State of calamity posibleng ideklara sa Lapu-Lapu City matapos ang malaking sunog

Nais ni Lapu Lapu City Mayor Junard Chan na magdeklara ng state of calamity sa lungsod matapos ang sunog sa Barangay Pusok na tumupok sa 300 mga kabahayan.

Ayon sa alkalde, hihimukin niya ang city council na magdeklara ng state of calamity.

Sa ganitong paraan, mas magiging mabilis aniya ang pagresponde at pagbibigay ng tulong sa mga nasunugan.

Ang mga pamilyang nasunugan ay kasalukuyang nasa ilalim ng Marcelo Fernan Bridge gamit ang mga tent na itinayo bilang kanilang pansamantalang matutuluyan.

Sa huling datos ng City Social Welfare and Development Office, aabot sa 1,354 na pamilya ang naapektuhan ng sunog. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *