1 patay, 1 sugatan sa sunog sa warehouse ng plastic sa Bulacan
Isa ang nasawi habang isa pa ang sugatan sa sunog na tumupok sa isang warehouse ng plastic sa Guiguinto, Bulacan.
Ayon sa Guiguinto Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ang sunog ay nagsimula madaling araw ng Miyerkules (Dec. 13) na umabot sa ikalawang alarma.
Pasado alas 7:00 na ng umaga na maideklara ng BFP Guiguinto na fire out ang sunog.
Isang lalaki ang nasawi sa insidente kung saan ang katawan nito ay natagpuan sa ikalawang palapag ng warehouse.
PInaniniwalaang ang makina na nasa likurang bahagi ng warehouse ang pinagmulan ng apoy.
Paalala ng MDRRMO sa mga reisdente at mga kumpanya na ugaliing mag-check ng mga gamit, maingat at mapagmasid upang maiwasan ang mga hindi inaasahang inisidente gaya ng sunog. (DDC)