Deadline para sa consolidation ng PUV operators, hindi na palalawigin ayon kay Pangulong Marcos

Deadline para sa consolidation ng PUV operators, hindi na palalawigin ayon kay Pangulong Marcos

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatili ang deadline na Disyembre 31, 2023 para sa konsolidasyon ng public utility vehicle (PUV) operators sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Ayon sa pangulo layunin ng programa na matiyak ang mas maaasahang sistema ng transportasyon sa bansa.

Aniya ang pag-antala pa sa sa programa ay makaaapekto sa karamihan sa mga operator, mga pinansyal na institusyon, at maging sa publiko.

Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos ang pakikipagpulong sa mga transport official.

Ayon sa pangulo sa ngayon ay 70 percent na ng mga operators sa bansa ang lumahok sa PUV Modernization Program.

Dahil dito, hindi na aniya maaaring mapayagan ang panibagong delay sa implementasyon ng programa dahil mayorya ng mga operator at maging ang publiko ay maaapektuhan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *