North-South Commuter Railway na biyaheng Tutuban-Clark minamadali na ng pamahalaan
Minamadali na ng pamahalaan ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway (NSCR).
Sa kaniyang report, sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways and current Philippine National Railways (PNR) General Manager Jeremy S. Regino, nanatiling “on schedule” ang NSCR Project, partikular ang N1 Segment nito na Tutuban to Malolos at ang N2 Segment na Malolos to Clark.
Sinabi ng DOTr na 100 percent ng naresolba ang right-of-way sa apat na istasyon ng NSCR kabilang ang sa Apalit, Angeles, Clark at Clark International Airport sa Pampanga.
Habang 76 percent naman ng naresolba ang usapin sa right-of-way para sa Malolos to Clark segment.
Inaasahang mag-uumpisa ang partial operations ng NSCR mula sa West Valenzuela patungong Malolos sa second quarter ng 2027.
Habang ang while full operation nito ay inaasahang masisimulan sa third quarter ng taong 2029. (DDC)