2024 Bar Exams idaraos sa Setyembre sa susunod na taon

2024 Bar Exams idaraos sa Setyembre sa susunod na taon

Inilabas na ng Korte Suprema ang schedule para sa pagdaraos ng 2024 Bar Examinations.

Sa Bar Bulletin No. 1 na inilabas ng Office of the Bar Chairperson, ang 2024 Bar Exams ay gagawin sa Sept. 8, Sept. 11 at Sept 15.

Idaraos ang exams sa iba’t ibang mga local testing centers sa buong bansa.

Si Supreme Court Associate Justice Mario Lopez ang magsisilbing Bar Chairperson sa susunod na taon.

Sinabi ng SC na muli na lamang maglalabas ng Bar Bulletins para ianunsyo ang iba pang updates sa 2024 Bar Exams kabilang ang application procedures, venue ng mga local testing center, at iba pang guidelines. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *