Panibagong hakbang ng China sa West PH Sea kinondena ng mga ambassador ng US at EU
Kinondena ng ambassador ng Estados Unidos at ng European Union ang ginawa ng barko ng China sa mga barko ng Pilipinas na naghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa kaniyang post sa X Account sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na kaisa ng Pilipinas ang US sa pagkondena sa paulit-ulit na ilegal at delikadong hakbang ng China sa mga barko ng Pilipinas.
Kabilang sa kinondena ni Carlson ang ginagawang pagharang ng China sa resupply mission sa Sierra Madre.
Samantala, sinabi naman ni EU Ambassador to the Philippines Luc Veron na isa na namang nakababahalang insidente ang nangyari sa West Philippine Sea nang gamitan ng water cannons ng barko ng China ang barko ng Pilipinas.
Ayon kay Veron hindi bahagi ng peaceful resolution sa West Philippine Sea ang paggamit ng water cannons at pagsasagawa ng dangerous sea maneuvers. (DDC)