Average ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa QC tumaas ng mahigit 57 percent

Average ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa QC tumaas ng mahigit 57 percent

Pinag-iingat ng Quezon City Government ang mga residente nito laban sa sakit na COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng pagtaas ng average ng kaso ng sakit ngayong linggo kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang linggo.

Ayon sa QC LGU, batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, nasa 27 kaso ng COVID-19 ang average na naitatala kada araw sa lungsod.

Mas mataas ito ng 57.9% kumpara noong nakaraang linggo at may average positivity rate na 14.55%.

Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ang publiko na magsuot ng face mask lalo na ang mga nakatatanda at maysakit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *