Barko ng China ginamitan ng water cannon ang barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng RoRe Mission sa BRP Sierra Madre
Muling nakaranas ng pangha-harass ang barko ng Pilipinas na maghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) binomba ng water cannon ng barko ng China ang mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng rotation at resupply mission.
Sa pahayag ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, ang M/L Kalayaan, kasama ang BRP Cabra at Unaizah Mae (UM) 1, ay maghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre ng mangyari ang pag-atake ng Chinese Coast Guard (CCG).
Maliban sa pagbomba ng tubig, binangga din ng CCG vessel ang UM1. ‘
Nagkaroon naman ng problema sa makina ang M/L Kalayaan dahil sa insidente.
Dahil dito, hinila namang ito pabalik ng Ulugan Bay sa Palawan.
Kinondena ng National Task Force – West Philippine Sea ang nasabing insidente.
Tinawag ng NTF-WPS na “reckless and dangerous harassment” ang ginawa ng barko ng China. (DDC)