Mga nagbalik-probinsya sa Koronadal City tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa DSWD

Mga nagbalik-probinsya sa Koronadal City tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa DSWD

Nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 134 na pamilya na nagbalik-probinsya sa Koronadal City.

Kabilang sa nakatanggap ng cash assistance ang maybahay na si Angelica Fermocil, 25-anyos, na nanirahan sa Mandaluyong City sa loob ng pitong taon habang siya ay nagtatrabaho bilang sales lady sa Baclaran.

Ayon sa kaniya maayos at malaki naman ang kanyang kita noon subalit nagbago ang lahat ng nagkaroon ng pandemiya.

Dahil doon ay nagpasya siyang bumalik na lamang sila sa probinsya.

Nag-apply si Fermocil sa Balik Probinsya Bagong Pagasa (BP2) program ng DSWD at maswerteng napabilang sa mga benepisyaryo ng BP2.

Si Fermocil at 104 na iba pang nagbalik-probinsya ay nakatanggap ng P50,000 pesos na Livelihood Settlement Grant (LSG).

Habang 29 na pamilya naman ang tumanggap ng Transitory Family Support Package na nagkakahalaga rin ng P50,000. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *