Parade of Stars para sa Metro Manila Film Festival idaraos sa CAMANAVA area sa Dec. 16

Parade of Stars para sa Metro Manila Film Festival idaraos sa CAMANAVA area sa Dec. 16

Sa Decemer 16 isasagawa ang Parade of Stars para sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang parada ngayong taon ay gaganapin sa CAMANAVA area.

Itatampok sa parada ang sampung pelikula na kalahok sa MMFF ngayong taon kabilang ang mga sumusunod:

– A Family of 2 (A Mother and Son Story)
– (K)Ampon
– Penduko
– Rewind
– Becky and Badette
– Broken Heart’s Trip
– Firefly
– GomBurZa
– Mallari
– When I Met You in Tokyo

Dadaan ang parada sa apat na lungsod sa CAMANAVA.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang ruta ng parada para hindi sila maabala.

Magsisimula ang parada alas 2:00 ng hapon sa Navotas Centennial Park; at babagtas sa C4, Samson Road, at Mc Arthur Highway patungo sa People’s Park sa Valenzuela City.

Ayon kay MMDA Acting Chairman at concurrent MMFF Over-all Chairman Atty. Don Artes magtatalaga ng 1,000 tauhan na kinabibilangan ng mga traffic enforcer, mga miyembro ng Road Emergency Group, Public Safety Division, Sidewalk Clearing Operations Group, Towing and Impounding Group, at Traffic Engineering Center. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *