Status ng Bulkang Mayon ibinaba na sa Level 2
Mula sa Alert Level 3 ay ibinaba na ng Phivolcs sa Level 2 ang Alert Status ng Bulkang Mayon.
Sa kabila nito sinabi ng Phivolcs na nananatiling may pamamaga sa bulkan at mataas pa din ang pagbuga niton ng Sulfur Dioxide.
Paalala ng Phivolcs sa publiko, iwasan pa din ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone ng bulkan.
Bawal din ang pagpapalipad ng anumang uri ng sasakyang panghimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan.
Sa ilalim ng Alert Level 2, sinabi ng Phivolcs na maaari pa ring maganap ang mga sumusunod:
– Biglaang pagputok ng steam o pagkakaroon ng phreatic explosions
– Rockfall mula sa tuktok ng bulkan
– Pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan (DDC)