Pagtaas ng kaso ng influenza-like illnesses sa bansa normal sa panahong ito ayon sa isang Infectious Disease Specialist

Pagtaas ng kaso ng influenza-like illnesses sa bansa normal sa panahong ito ayon sa isang Infectious Disease Specialist

Normal sa panahon ngayon ang pagtaas ng naitatalang influenza-like illnesses (ILIs) ayon sa isang Infectious Disease Specialist.

Sa panayam ng Radyo Pilipino, sinabi ni Dr. Reynaldo Salinel, isang Infectious Disease Specialist na normal ang pagtaas ng mga kaso ng ILIs sa bansa dahil sa nabagong panahon kung saan mas lumamig na ang simoy ng hangin.

Dagdag pa dito ayon kay Salinel ang mas maluwag ng restrictions kung saan napapayagan na ang pagtitipon-tipon, pamamasyal, at ang mga tao ay hindi na masyadong gumagamit ng face mask.

Ayon kay Salinel, ang “walking pneumonia” ay mayroon lamang mild na sintomas sa mga pasyenteng tinatamaan nito.

Pero dahil iba-iba ang sitwasyon ng mga pasyente, may iba na kailangan pa ding maospital kapag tinamaan ng nasabing sakit.

Katunayan may mga pagkakataon aniya na kung ang mga bata ay tatamaan ng walking pneumonia subalit bakunado naman ay masigla pa din at nakakapaglaro.

Habang sa mga adult naman, kung mayroong bakuna at malakas ang katawan, kahit tamaan ng nasabing sakit ay kaya pa ring magtrabaho at gawin ang pang-araw araw na gawain.

Maaaring maisalin ang nasabing sakit sa pamamagitan ng close contact, pagbahin, laway, ubo, at infected na kamay.

Pero ayon kay Salinel, madali din itong gamutin at kayang mapagaling ng antibiotic.

Una ng sinabi ng DOH na nakapagtala sa bansa ng apat na kaso ng walking pneumonia simula noong Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Subalit ang apat na kaso na ito ay pawang naka-recover na.

Payo ng DOH sa publiko kung nakararanas ng sintomas ng ILIs, gawin ang mga sumusunod na hakbang:

– manatili sa bahay at umiwas sa pakikisalamuha sa ibang tao
– umiwas sa mga taong nabibilang sa “high risk” tulad ng mga may edad na 65 o higit pa, mga taong may ibang sakit, buntis at mga batang 4 na taon pababa
– uminom ng gamot sa lagnat tulad ng paracetamol
– siguruhing may sapat na pahinga
– uminom ng tubig at kumain ng masustansyang pagkain. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *