Apat na kaso ng “walking pneumonia” sa bansa naka-recover na – DOH
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang naitalang apat na kaso ng mycoplasma pneumoniae o “walking pneumonia” ay hindi mga bagong kaso.
Ayon sa DOH, ito ay bahagi ng mga naitalang influenza-like illnesses (ILIs) sa bansa simula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.
Ang iba pang kaso ng ILIs na naitala sa bansa sa nasabing petsa ay mula sa ibang pathogens.
Ang apat na kaso ng
“walking pneumonia” ayon sa kagawaran ay pawang naka-recover na.
Sinabi ng DOH na may gamot at madaming maiwasan ang pagkahawa sa mycoplasma pneumoniae or the “walking pneumonia”.
Ayon sa DOH, ang “walking pneumonia” ay common pathogen na nagdudulot ng impeksyon, at may sintomas na lagnat, sore throat at ubo.
Bagaman maaari itong makaapekto sa lahat ng age group, ang mga mayroong mahihinang immune system ay mas mataas ang tsansa na dapuan ng sakit.
Tiniyak ng DOH na ang “walking pneumonia” ay hindi bago sa bansa.
Paalala ng kagawaran, palaging maghugas ng kamay, magsuot ng face mask, tiyakin ang maayos na bentilasyon at mas mainam kung bakunado para maiwasan ang sakit. (DDC)