Limang mangingisda nailigtas matapos mabangga ng foreign bulk carrier ang sinasakyan nilang bangka

Limang mangingisda nailigtas matapos mabangga ng foreign bulk carrier ang sinasakyan nilang bangka

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang mangingisda matapos na mabangga umano ng isang dayuhang barko ang sinasakyan nilang bangka sa katubigan ng Paluan, Occidental Mindoro.

Tanghali na ng Dec. 6 nang matanggap ng Coast Guard ang report sa nangyari at agad nagpadala ng tauhan para sagipin ang mga mangingisda.

Tallong bangka na FBCA Joker, FBCA Precious Heart, at FBCA Jaschene ang tumulong para magsagawa ng rescue and towing operations at dinala sa Pandan Island, Sablayan, Occidental Mindoro ang nasirang bangka.

Sa pahayag ng mga mangingisda, nabangga ng dumaraang bulk carrier na MV TAI HANG 8 ang sinasakyan nilang FBCA RUEL J noong hapon ng Dec. 5.

Ayon sa PCG, ang bulk carrier ay mayroong watawat ng China.

Matapos silang mabangga ay nagpatuloy sa paglalayag ang barko.

Pawang nasa maayos namang kondisyon ang limang mangingisda. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *