Dec. 31 consolidation deadline sa mga PUV hindi na palalawigin ng DOTr

Dec. 31 consolidation deadline sa mga PUV hindi na palalawigin ng DOTr

Walang balak ang Department of Transportation (DOTr) na palawigin pa ang December 31, 2023 deadline para sa consolidation ng mga Public Utility Vehicle (PUV) operators at drivers sa mga kooperatiba at korporasyon.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista sa pamamagitan ng consolidation ng mga PUVs matitiyak ang mas epektibong operasyon ng mga ito.

Ani Bautista, magkakaroon naman ng transition sa mga unang bahagi ng pagpapatupad ng programa.

Papayagan pa din namang bumiyahe ang mga tradisyunal na pampasherong jeep basta’t papasa ang mga ito sa roadworthiness test.

Ani Bautista, ang mga transport cooperatives na nauna ng lumahok sa programa ay nakaranas na ng mga benepisyo nito.

Samantala, sa December 30 na isang regular holiday ay mananatiling bukas ang mga tanggapan ng DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Office for Transportation Cooperatives (OTC) para tumanggap ng mga aplikasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *