Training programs para sa pagpapalago sa furniture industry sa bansa inilunsad

Training programs para sa pagpapalago sa furniture industry sa bansa inilunsad

Inilunsad ng Philippine Trade Training Center – Global MSME Academy (PTTC-GMEA) ang dalawang makabagong training programs para sa pagpapalakas ng furniture at creative industries sa bansa, na ginanap sa ENSAYO Creative Hub, PTTC-GMEA Building sa Pasay City.

Layunin ng programa na mapaangat ang kakayanan, inobasyon o pagbabago at pamantayan lalo na’t ang Pilipinas ay nakaposisyon bilang key player sa ganitong dynamic sectors.

“I am thrilled to announce the launch of these groundbreaking training programs, the OBRA Design Masterclass and Lunsod Lunsad Creative Entrepreneurship Training, at PTTC-GMEA. These initiatives represent our unwavering commitment to fostering innovation, empowering local talent, and driving positive change in the furniture and creative industries. Through these programs, we aim not only to elevate standards but also to contribute significantly to the economic and social well-being of our nation. The transformative impact of creativity and skill development is immeasurable, and we are excited to witness the positive changes that will unfold as we nurture the next generation of design leaders and creative entrepreneurs,” pahayag ni PTTC-GMEA Executive Director Nelly Nita N. Dillera.

Sa pamamagitan ng OBRA Design Masterclass Program ay mabusisi ang paggagawa para mapagbuti ang standards ng Pilipinong disenyo sa tulong ng mga bagong teknolohiya, materyales at malikhaing proseso.

Kaugnay nito, itinuturing na mahalaga ang ginagampanang papel ng mga design mentors sa pagbibigay ng importanteng pag-asiste sa mga partisipante upang siguruhing epektibo ang pagtampok ng mga disenyo para maabot ang inaasahan sa merkado at ng demands o pangangailangan nito.

Samantala ipinapakilala rin ng PTTC-GMEA ang Lunsod Lunsad Creative Entrepreneurship Training na inisyatibong disenyo at suporta sa malikhaing pagmumungkahi sa mga lungsod sa buong bansa.

Nilalayon nitong palakihin ang creative assets at resources para palaguin ang socio-economic at pagyamanin pa ang ating kultura bilang suporta sa malikhaing pagnenegosyo,paglikha ng trabaho, pagpapayabong sa kakayanan, kapasidad,pag-iisip ng disenyo, at digital skills.

Ang dalawang inisyatibo ay bahagi ng paninindigan ng PTTC-GMEA sa pangako nitong pagbutihin ang creativity, innovation, at economic development sa Pilipinas.

Target ng training programs na mapayabong ang talento, mga industriya at magkaroon ng magandang ambag sa bansa para manatiling furniture at creative excellence sa daigdig. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *