Libreng flu vax para sa PWDs sa Las Piñas, isinagawa

Libreng flu vax para sa PWDs sa Las Piñas, isinagawa

Bilang bahagi sa patuloy na pagpaprayoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa kapakanan at kalusugan ng mga Las Piñeros, pinalawak pa ang isinasagawang flu vaccination drive hindi lamang para sa mga senior citizen kundi maging sa Persons with Disabilities (PWDs).

Sa pangunguna ng City Health Office (CHO) at sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay matagumpay ang pag-organisa at pagbibigay ng libreng bakuna kontra trangkaso para sa PWDs sa Heritage Covered Court, BF Resort Village, Barangay Talon Dos sa nasabing lungsod kahapon.

Nabatid na umabot sa 600 na PWDs ang nakatanggap ng libreng flu shots mula sa lokal na pamahalaan na inisyatibo nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar para sa pagpapalawak ng kanilang hakbang na pangalagaan ang kalusugan ng mga Las Piñeros lalo na’t nauuso ang mga sakit partikular ng trangkaso maliban pa rito ang mga hamon na dulot ng COVID-19.

“Pinapabukanahan natin ang mga PWDs against the flu kasi gusto natin sila bigyan ng proteksyon kasi pwede rin po sila magkaroon ng mga complication brought by the infection. Nakita po kasi natin na medyo dumadami ang trangkaso sa paligid natin ngayon,” pahayag ni CHO Officer-in-Charge, Dr. Juliana Gonzalez.

Ang vaccination drive ay mahalagang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mas mailapit ito at maabot ang mga PWDs sa mas maginhawang pagkuha ng mga serbisyong pangkalusugan at mapigilan ang pagkalat ng mga sakit sa lungsod.

Kamakailan ay nabigyan din ng libreng flu vaccines ang maraming senior citizens mula sa iba’t ibang barangay sa Las Pinas. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *