P67M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang suspek sa NAIA

P67M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang suspek sa NAIA

Isinasailalim sa imbestigasyon at dokumentasyon ang isang babae matapos mahulihan ng parcel na naglalaman ng tinatayang 9,898 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P67,306,400 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) PAIR-PAGS Center, NAIA Complex, Pasay City kahapon.

Kinilala ang suspek na si Gayzel Reyes, 40-anyos, beautician, ng San Andres Extension Sta. Ana, Manila

Sa isinagawang operasyon ng NAIA-IADITG, narekober sa suspek ang isang parcel na may mga lamang spare parts kabilang ang sampung metal pulleys, na naglalaman ng 100 pirasong transparent plastic sachet ng sinasabing metamphetamine hyrdrocloride o shabu; Philippine passport, UMID card, air waybill document at cellphone.

Inihahanda na ng otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *