Ilang produktong pampaputi delikado sa kalusugan ng mga buntis
Ngayong papalapit ang Pasko naglabas ng paalala ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pagbili at paggamit ng produktong pampaputi na nagtataglay ng kemikal na delikado sa kalusugan lalo na sa mga buntis.
Ikinabahala ng grupo ang paglaganap sa merkado at murang bentahan ng mga hazardous beauty products.
Ayon sa BAN Toxics, kahit na umiiral ang ban sa bansa at sa buong mundo sa pagbebenta at paggamit ng mercury-containing whitening products ay naibebenta pa din ang mga ito online.
Kabilang sa laganap online ang 213 skin-lightening products (SLPs).
Ayon sa grupo, sa mga sinuring produkto, 191 sa mga ito o 90% ay lumagpas sa 1 ppm limit na itinatakda sa ilalim ng Minamata Convention.
Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, sa nagpapatuloy na market surveillance ng BAN Toxics natuklasan na patuloy na ibinebenta ang mga ito sa online.
Kamakailan ay binago din ang pangalan ng produkto at ginawang Pakistan-made Goree Gold Beauty Cream 24K
“Government should put an end to the illegal trade of mercury-added skin lightening cosmetics in both online and on-site markets. BAN Toxics urged the regulatory agencies to crack down on smugglers of these prohibited products,” ani Dizon.
Kabilang sa maaaring maging epekto ng mercury at hazardous substances na matatagpuan sa cosmetics ay kidney damage, skin rashes, skin discoloration at scarring, at maraming iba pa. (DDC)