Social pension cash pay-out para sa senior citizens sa Las Piñas nagpapatuloy

Social pension cash pay-out para sa senior citizens sa Las Piñas nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang Las Piñas City Government sa isinasagawa nitong social pension cash pay-out para sa mga kuwalipikado at maralitang senior citizens sa lungsod.

Sa pangangasiwa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay matagumpay na naisagawa ang panibagong social pension cash pay-out para sa indigent senior citizens sa Verdant Covered Court sa Barangay Pamplona Tres.

Ito ay bilang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga nakatatanda upang siguruhing mabigyan sila ng tulong pinansiyal para sa pagpapabuti ng antas ng kanilang pamumuhay.

Puspusang tinututukan naman ni Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga senior citizen bilang pagbibigay importansiya sa pangako ng administrasyon na siguruhin ang kapakanan ng mga nakatatanda sa lungsod.

Tiniyak din ng Las Piñas LGU na nasusunod ang safety protocols para sa kaligtasan ng mga benepisyaryo.

Ang ipinagkaloob na social pension para sa maraming nakatatandang residente ay makatutulong sa kanilang pang-araw araw na gastusin at iba pang pangangailangan.

Ang mahalagang pagtutok ni Vice Mayor Aguilar sa kaganapan ay pagpapakita ng mahalagang pakikisama sa mga senior citizens at ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan na kilalanin at suportahan ang mga nakatatandang residente.

Binigyang importansiya din ng bise alkalde ang mga naitulong ng senior citizens sa komunidad kaya marapat lamang na tuluy-tuloy ang pagbibigay malasakit sa kanilang katayuan o kalagayan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *