3,812 nakapasa sa 2023 Bar Exams
Umabot sa 3,812 mula sa 10,387 examinees ang nakapasa sa 2023 Bar Examinations.
Sa press conference sinabi ni Bar Chairperson Justice Ramon Hernando, ito ay katumbas ng 36.77 percent na overall passing percentage.
Ang law graduate mula sa University of Santo Tomas na si Ephraim Porciuncula Bie ang nanguna sa 2023 Bar Exams matapos makakuha ng 89.2625% na score.
Kasunod si Mark Josel Padual Vivit ng Ateneo de Manila University na may score na 89.1250%
Habang nasa ikatlong puwesto si Frances Camille Altonaga Francisco mula sa San Beda University na may score na 88.9125%.
Ang Top Five Law Schools naman na may pinakamaraming bar passers ay ang mga sumusunod:
1. Ateneo de Manila University
2. San Beda University
3. University of San Carlos
4. University of the Philippines
5. University of Santo Tomas