Magnitude 5.7 na lindol tumama sa Surigao del Sur
Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 44 kilometers northeast ng Cagwait, 8:34 ng umaga ng Martes (Dec. 5).
May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity IV sa Bayabas, Surigao del Sur. (DDC)