4.1 percent inflation rate naitala noong Nobyembre; mas mababa kumpara noong Oktubre

4.1 percent inflation rate naitala noong Nobyembre; mas mababa kumpara noong Oktubre

Bumagal ang antas pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo noong nagdaang buwan ng Nobyembre.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 4.1 percent inflation rate noong Nobyembre na mas mababa kumpara sa 4.9 percent noong Oktubre.

Ayon kay National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation noong Nobyembre ay ang
food and nonalcoholic beverages.

Sinabi ni Mapa na bumaba ang presyo ng gulay partikular ang kalabasa, gayundin ang presyo ng isda at iba pang seafood.

Bumaba din ang presyo ng asukal na pula.

Naging dahilan din ng mas mabagal na antas ng inflation ang pagbagsak ng presyo ng gasolina at diesel. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *