Gobyerno patuloy ang mga hakbang para maihanda ang publiko sa malakas na lindol

Gobyerno patuloy ang mga hakbang para maihanda ang publiko sa malakas na lindol

Patuloy ang gingagawang hakbang ng pamahalaan para maihanda ang mga Filipino sa pagtama ng malakas na lindol.

Kasunod ito ng malakas na lindol na tumama sa mga lalawigan ng Davao Oriental at Surigao del Sur.

Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. ang nasabing malakas na pagyanig ay paalala ng kahalagahan ng pagsasagawa drills at pagtitiyak na ang mga istraktura ay earthquake-resilient.

Ani Solidum kasama din sa dapat paghandaan ang epekto ng tsunami para sa mga naninirahan malapit sa dagat.

Pinaalalahanan ni Solidum ang publiko na gamitin ang “House App” na maaaring mai-download gamit ang smartphones para malaman nila kung gaano katibay ang kanilang bahay.

Sinabi ni Solidum na ginagawa ng pamahalaan at ng local government ang lahat para maging handa ang komunidad sa pagtama ng lindol. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *