Pope Francis nag-alay ng panalangin sa mga biktima ng pagsabog sa Marawi City

Pope Francis nag-alay ng panalangin sa mga biktima ng pagsabog sa Marawi City

Nag-alay ng dasal si Pope Francis para sa mga biktima ng pag-atake sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.

Ang nasabing insidente ay ikinasawi ng 4 na katao at ikinasugat ng mahigit 50 iba pa.

Sa pamamagitan ng kaniyang X Account, sinabi ni Pope Francis na ipagdarasal niya ang mga biktima ng pagsabog na naganap sa kasagsagan ng idinaraos na misa.

“I wish to assure my prayer for the victims of the attack that occurred this morning in the Philippines, where a bomb exploded during Mass,” ayon sa Santo Papa.

Binanggit din ni Pope Francis na marami nang mga paghihirap na naranasan ang mga pamilya sa Mindanao.

“I am close to the families and the people of Mindanao, who have already suffered so much,” dagdag pa ng Santo Papa.

Ang misa noong umaga ng Linggo (Dec. 3) ay dinadaluhan ng mga estudyante at faculty members ng MSU.

Ang nangyari ay inilarawan ng Philippine Army bilang “terror act”. (DDC).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *