Substandard Christmas lights at decors sa merkado mahigpit na binabantayan ng DTI

Substandard Christmas lights at decors sa merkado mahigpit na binabantayan ng DTI

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga substandard na Christmas lights at mga dekorasyong ibinebenta sa merkado ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na tuluy-tuloy ang pag-iikot ng mga tauhan ng ahensya sa iba’t ibang pamilihan sa bansa.

Naatasan aniya ang mga ito na magsagawa ng inspeksyon at magkumpiska ng mga substandard products.

Paliwanag ng kalihim, ang mga nakitaan ng mga paglabag ay kanilang kinukumpiska ang mga binibentang substandard na Christmas lights habang binibigyan ng notice of violations ang mga may-ari ng mga tindahan.

Itinuturing din na isa sa mga sanhi ng sunog ay ang paggamit ng mga substandard na mga pailaw. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *