P20M na pondo inilaan sa pagsasaayos ng Inabanga Port sa Bohol
Naglaan ng P20 million na pondo ang Department of Transportation (DOTr) upang maisaayos ang Inabanga Port sa Bohol na kabilang sa nasira sa magnitude 7.2 na lindol na tumama sa lalawigan noong 2013.
Nilagdaan nina DOTr Undersecretary for Maritime Elmer Francisco Sarmiento at Inabanga, Bohol Mayor Jose Jono Jumamoy ang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay ng pagsasaayos sa pantalan.
Nakasaad sa MOA ang paglalaan ng P20 milyong pondo para sa proyekto sa Inabanga Port.
Ayon kay Jumamoy maituturing itong maagang pamasko dahil maisasaayos na ang kanilang fish port.
Sinabi ni Jumamoy na maliban sa mga mangingisda ay makikinabang din sa proyekto ang buong Inabanga na mayroong 55,000 populasyon. (DDC)