Pag-iisyu ng guarantee letter para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation program ng DSWD sususpendihin

Pag-iisyu ng guarantee letter para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation program ng DSWD sususpendihin

Simula sa Disyembre 7 hanggang 31, 2023, pansamantalang sususpendihin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay o pag-iisyu ng guarantee letter (GL) sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.

Ang suspensyon ay iiral sa lahat ng opisina ng DSWD sa buong bansa.

Ayon sa DSWD, ang nasabing hakbang ay kinakailangan upang mabigyang-daan ang annual liquidation na bahagi ng taunang fiscal obligation alinsunod sa utos ng Department of Budget and Management (DBM) at ng batas.

Sinabi ng ahensya na habang umiiral ang suspensyon, mabibigyang-daan din ang pag-aayos ng mga kinakailangang dokumento para mabayaran ang mga service providers sa mga naiabot na tulong sa mga kliyenteng nakalapit na sa aming mga opisina sa pamamagitan ng Guarantee Letter.

Para naman hindi mahinto ang tulong na ibinibigay ng DSWD, patuloy pa rin ang pamimigay ng outright cash assistance para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Magpapatuloy ang muling pagbibigay ng GL sa darating na Enero 2024. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *