Magkasunod na pagyanig tumama sa Camarines Sur at Catanduanes
Magkasunod na niyanig ng lindol ang lalawigan ng Camarines Sur at Catanduanes.
Naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.9 na lindol sa 7 kilometers southeast ng bayan ng Calabanga sa Camarines Sur, 3:18 ng madaling araw ng Huwebes (Nov. 30).
4 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V
– Tinambac, CAMARINES SUR
Intensity IV
– Naga, Calamigan, and Calabanga, CAMARINES SUR
Intensity III
– Iriga City, Bula, and Presentacion, CAMARINES SUR
– Lopez, Quezon
Intensiy II
– Goa and Cabusao, CAMARINES SUR
– Mercedes, Daet, and Basud, CAMARINES NORTE; – Guinayangan, QUEZON
Intensity I
– Legazpi City, ALBAY
Samantala, tumama naman ang magnitude 4.0 na lindol sa 9 kilometers southwest ng Caramoran, Catanduanes, 4:41 ng madaling araw.
16 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.
Naitala naman ang Intensity III sa Naga, Camarines Sur. (DDC)