Smartmatic binawalan na ng Comelec na sumali sa bidding para sa susunod na eleksyon

Smartmatic binawalan na ng Comelec na sumali sa bidding para sa susunod na eleksyon

Pinatawan ng diskwalipikasyon ng Commission on Elections (Comelec) ang Smartmatic Philippines Inc. sa paglahok sa anumang poll-related public biddings dahil sa pagkakasangkot nito sa kasong bribery na inihain ng mga ooridad ng US laban kay dating Comelec Chairman Andres Bautista.

Anim na eleksyon din na ang Smartmatic ang nagsilbing supplier ng Comelec sa anim na nagdaang eleksyon kasama na ang unang automated polls sa ARMM noong 2008, national elections noong 2010, 2016, at 2022 at midterm elections noong 2013 at 2019.

Sa botong 5-1 na may isang abstention, pinaburan ng Comelec en banc ang petisyon na inihain ng isang grupo na humihiling na ma-disqualify ang Smartmatic sa paglahok sa bidding para sa automated election system na gagamitin sa 2025 midterm elections.

Ang deadline ng pagsusumite ng ng bid para sa Full Automation System ay sa Dec. 12. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *