Pangulong Marcos hindi na dadalo sa United Nations Climate Change Conference sa Dubai
Nagpasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na tumuloy sa pagdalo sa United Nations Climate Change Conference sa Dubai.
Ayon sa pangulo kailangang tutukan ang sitwasyon ng labingpitong Pinoy na biktima ng pangho-hostage sa Red Sea.
Magpapatawag ng pulong ang pangulo para iproseso ang pag-alis ng high-level delegation patungo sa Tehran, Iran.
Ito ay para matiyak na maibibigay agad ang pangangailangan ng mga seafarer.
Sinabi ng pangulo na si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonio Yulo-Loyzaga ang mangunguna sa delegasyon ng Pilipinas sa COP28. (DDC)