Napaulat na pagtaas ng kaso ng respiratory illnesses sa mga bata sa Northern China hindi dapat ikabahala ayon sa DOH
Walang dapat na ikabahala ang publiko sa iniulat ng World Health Organization (WHO) na pagtaas ng kaso ng respiratory illnesses sa mga bata sa Northern China.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga napaulat na sakit ay bunsod ng mas pinagaan na COVID-19 restrictions at pagsisimula na ng cold season ayon na din sa National Health Commission ng China.
Agad ding nagpatupad ng heightened surveillance ang China mula ng maitala ang mga kaso noong Oct. 2023.
Paalala ng DOH sa publiko, iwasan ang pagbabahagi ng mga hindi tiyak o maling impormasyon.
Para manatiling ligtas sa anumang sakit, hinihikayat ng DOH ang bolutaryong pagsusuot pa rin ng face mask lalo na ang mga mayroong comorbidities at autoimmune diseases. (DDC)