Motor vehicle registration caravan isasagawa ng LTO

Motor vehicle registration caravan isasagawa ng LTO

Target ng Land Transportation Office (LTO) na magsagawa ng nationwide motor vehicle registration caravan.

Ito ay matapos lumitaw sa datos ng ahensya na mayroong 24.7 million na sasakyan sa bansa ang hindi rehistrado sa LTO.

Sa gagawing caravan ay hihimukin ang mga delinquent owners na iparehistro ang kanilang sasakyan kasunod ng mas mahigpit na pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, makikipag-ugnayan ang LTO sa mga local government units (LGUs) para sa pagsasagawa ng vehicle registration caravan.

Bababa din aniya ang LTO sa barangay level upang mas madali na matukoy kung sino-sino at ilan sa kanilang mga constituents ang mayroong hindi rehistradong motorsiklo at mga sasakyan.

Ayon sa LTO, sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon mayroong pinakamaraming bilang ng delinquent motor vehicles. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *