Pinay na si Noralyn Babadilla, nakalaya na mula sa Hamas

Pinay na si Noralyn Babadilla, nakalaya na mula sa Hamas

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakalaya na mula sa kamay ng Hamas ang Pinay na si Noralyn Babadilla at ligtas ng nakabalik sa Israel.

Si Babadilla ay binihag ng Hamas noong Oct. 7 kasama ang isa pang Filipino caregiver na si Jimmy Pacheco na nauna ng napalaya noong nakaraang linggo.

Dahil dito sinabi ni Pangulong Marcos na lahat ng Pinoy na naapektuhan ng kaguluhan ay ligtas na.

Nagpasalamat ang pangulo sa Israeli authorities sa tulong nito sa paglaya ni Babadilla.

Pinasalamatan din ng pangulo ang pamahalaan ng Egypt at Qatar sa kanilang tulong sa proseso. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *