Pamahalaan, NDFP nagkasundo na muling buhayin ang peace talks

Pamahalaan, NDFP nagkasundo na muling buhayin ang peace talks

Nagkasundo ang pamahalaan at ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na muling simulan ang usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Presidential Adviser on Peace, Recociliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr., nagkasundo ang gobyerno at ang NDFP para sa mapayapang pagresolba ng armed conflict.

Inilabas ng Malakanyang ang kopya ng Joint Statement na nilagdaan noong Nov. 23, 2023 kung saan ang magkabilang partido ay nagkasundong resolbahin ang armed conflict at tuldukan na ang armed struggle.

Ang joint statement ay nilagdaan sa City Hall ng Oslo, Norway.

Napagkasunduan ng dalawang partido na ang pagtatakda ng prayoridad para sa peace negotiation na layong makamtan ang socio-economic at political reforms para sa pagkakaroon ng “just and lasting peace”.

Kabilang sa lumagda sa joint statement sina Secretary Antonio Ernesto F. Lagdameo Jr., Special Assistant to the President, bilang kinatawan ng gobyerno.

Habang sa panig ng NDFP at lumagda si Luis G. Jalandoni. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *