Walang backlog sa pamamahagi ng social pension para sa mga senior citizen – DSWD

Walang backlog sa pamamahagi ng social pension para sa mga senior citizen – DSWD

Itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroong backlogs sa pagbibigay ng buwanang social pension para sa mga indigent senior citizens.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary and spokesperson Romel Lopez, walang backlogs sa social pension payouts ng mahigit 4.1 million indigent seniors.

Pero ani Lopez, mayroong 466,000 indigent senior citizens ang ngayon ay nasa waitlist dahil kakailanganin ng dagdag na pondo bago sila maisama sa programa.

Maaari aniyang ito ang “backlog” na tinutukoy ni Senator Sonny Angara sa budget hearing sa senado.

Sa ngayon sinabi ni Lopez na ang 466,000 waitlisted senior citizens ay hindi pa kasama sa social pension program.

Ang pondo kasi para sa programa ngayong taong 2023 ay para lamang sa 4.1 million senior citizens.

Ang nasabing bilang ay tumatanggap ng P500 kada buwan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *