Christmas Convoy sa West PH Sea pinayagan ng NSC; BRP Sierra Madre hindi pwedeng puntahan

Christmas Convoy sa West PH Sea pinayagan ng NSC; BRP Sierra Madre hindi pwedeng puntahan

Pinayagan na ng National Security Council (NSC) ang plano ng isang grupo na magsagawa ng Christmas convoy sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa NSC, maaaring dumaan sa general vicinity ng Ayungin Shoal ang convoy subalit hindi ito pwedeng umabot sa BRP Sierra Madre.

Sinabi ni NSC spokesperson Jonathan Malaya na sumang-ayon ang magkabilang partido na hindi ito ang tamang panahon na puntahan ng convoy ang BRP Sierra Madre para na rin masiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Ayon kay Malaya, ang pinaka-praktikal na gawin ay ang payagan ang convoy na makadaan sa general vicinity ng Ayungin Shoal patungo sa ibang PH-occupied features.

Layon ng convoy maghatid ng regalo sa mga sundalong nakatalaga sa West Philippine Sea. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *