NTC muling nakatanggap ng FOI Awards; kinilala bilang Top Requested and Performing Agency
Sa ikaanim na sunod na taon ay muling tumanggap ng pagkilala ang National Telecommunications Commission (NTC) sa idinaos na seremonya para sa 2023 Freedom of Information (FOI) Awards.
Ang pagkilala ay iginawad ng Presidential Communications Office (PCO) sa pamamagitan ng Freedom of Information – Project Management Office (FOI-PMO).
Kinilala ang NTC bilang Top Requested and Performing Agency sa eFOI Portal na mayroong 500 hanggang 999 requests at nakapagtala ng at least 90% closed transactions.
Ito na ang ikaanim na sunod na taon na ang NTC ay tumanggap ng pagkilala mula sa PCO para sa FOI Program ng komisyon.
Ang parangal ay tinanggap ni NTC Deputy Commissioner Alvin Bernard Blanco at FOI Officer Divina N. Daquioag.
Ayon kay Blanco, patuloy na tutugon ang NTC sa prinsipyo na itinatakda ng FOI Program para manatiling transparent at mabilis sa pagseserbisyo sa publiko. (DDC)