Metro Manila HOAs, barangays at iba pang organisasyon pinulong ng DSWD para matulungan ang mga nanlilimos sa kalsada
Pinulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kinatawan ng iba’t ibang Homeowners’ Associations (HOAs), barangays, at mga organisasyon sa Metro Manila kaugnay ng ikinakasang programa para matulungan ang mga nanlilimos sa lansangan.
Ang pulong ay pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Innovations Edu Punay bilang paghahanda sa pagpapatupad ng programang ‘Pag-Abot sa Pasko’ sa Disyembre.
Ang nasabing programa ay parte “Oplan Pag-Abot” project ng DSWD kung saan magsasagawa ng special at sabayang reach-out operations sa Quezon City at sa mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, at San Juan sa loob ng 31-araw.
Layunin nitong mapagkalooban ng tulong ang mga pamilyang nasa lansangan.
Ngayong papalapit ang Holiday season ay muli na namang dumami ang mga nanlilimos sa kalsada lalo na sa Metro Manila. (DDC)