Vietnamese national timbog sa anti-drug operations sa Parañaque
Dinakip ng mga otoridad ang isang Vietnamese national matapos makumpiskahan ng umano’y iligal na droga sa gitna ng anti- illegal drug operation sa Macapagal Boulevard, Barangay Tambo sa Parañaque City.
Ang naarestong suspek ay kinilala lamang sa alyas Le, na kasalukuyang nakadetine sa Parañaque City Police Station dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Narekober sa suspek ang limang pakete na naglalaman ng umano’y shabu, 18 na ‘ecstacy’ tablets, limang pakete na naglalaman ng ‘ketamine’,sling bag,brown wallet, tatlong IDs (dalawang Vietnamese IDs at isang alien ID), at cellphone.
Dinala ang mga nakumpiskang ebidensiya sa Southern Police District Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri. (Bhelle Gamboa)