Las Piñas nagsasagawa ng social pension cash pay-out sa kuwalipikadong senior citizens

Las Piñas nagsasagawa ng social pension cash pay-out sa kuwalipikadong senior citizens

Nagsasagawa ang Pamahalaang Lokal ng Las Piñas City ng social pension cash pay-out para sa mga kuwalipikadong senior citizen sa lungsod.

Pinapangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang itinakdang pamamahagi ng cash pay-out para sa mga maralitang senior citizen na isinagawa sa Verdant Covered Court, Barangay Pamplona Tres kung saan bahagi ito sa patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan.

Personal na tinutukan ni Vice Mayor April Aguilar ang nasabing aktibidad at binigyang importansiya ang mga nakatatanda sa lungsod at ang dedikasyon ng administrasyon na siguruhin ang kanilang kapakanan.

Ang presensiya at pagtutok ng personal ng bise alkalde sa cash pay-out ay pagpapahalaga sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang mas mapagbuti ang mga serbisyong inihahatid sa mga Las Piñeros partikular na sa vulnerable sectors sa Las Piñas.

Nabatid na ang cash pay-out program ay maingat na inorganisa, tiniyak na maayos at kumbinyente ang proseso para sa mga benepisyaryo.

Ang pagtitipon ng mga senior citizen mula sa iba’t ibang lugar sa lungsod ay sumusunod sa health at safety protocols para tumanggap ng kanilang social pensions na tulong pinansiyal upang gamitin sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Patuloy ang CSWDO sa pagtataguyod ng mga programang umaagapay sa pangangailangan ng mga residenteng nakatatanda sa lungsod.

Ang aktibidad ay isa lamang ito sa mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan para siguruhin ang kapakanan ng lahat ng mga residente sa Las Pinas. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *