DOLE naglabas ng pay rules para sa holiday sa Nov. 27
Naglabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa Nov. 27 na deklaradong Regular Holiday bilang paggunita sa Bonifacio Day.
Ayon sa DOLE, ang mga empleyado na hindi papasok sa nasabing petsa ay makatatanggap pa din ng 100 percent ng kaniyang basic wage.
Kung papasok naman ng Nov. 27 ang empleyado, siya ay makatatanggap ng 200 percent ng kaniyang basic wage.
At kung kailangang mag-overtime, tatanggap pa ito ng dagdag pang sahod depende sa bilang ng oras ng dagdag niyang trabaho.
Magugunitang sa halip na Nov. 30 inilipat sa Nov. 27 ang holiday para sa Bonifacio Day. (DDC)