Pag-iral ng Number Coding sa Nov. 27, suspendido – MMDA
Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Lunes, Nobyembre 27.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ito ay kaugnay ng paggunita ng Bonifacio Day na inilipat sa Nov. 27 mula sa orihinal nitong petsa na Nov. 30.
Sa mga bibiyahe sa parating na long weekend, nagpaalala ang MMDA na planuhing mabuti ang biyahe. (DDC)