8 employers sa Parañaque City na hindi nagre-remit ng kontribusyon ng kanilang empleyado, binalaan ng SSS
Binalaan ng Social Security System (SSS) ang walong delinquent employers sa Parañaque City bunsod ng hindi pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.
Pinagpaliwanag ni Social Security System (SSS) National Capital Region (NCR) South Legal Department Concurrent Acting Head Atty. Victorina Pardo-Pajarillo ang kinatawan ng mga establisyimento sa isinagawang recent Run After Contribution Evaders (RACE) operation sa lungsod.
Binigyan ng notices of violation ang walong business employers sa Sun Valley at Merville, Parañaque City.
Ayon sa SSS, base sa kanilang rekord, ay mayroong kabuuang P1.70 million unpaid contributions at penalties, ang nasabing mga establisyimento na nakaapekto sa 82 nilang mga empleyado.
Inatasan din silang makipag-ugnayan sa SSS Bicutan-Sun Valley Branch sa loob ng susunod na 15-araw para bayaran ang utang sa SSS contribution.
Kung mabibigong magbayad ay maaari silang maireklamo sa paglabag sa Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018. (DDC)