CPP-NPA-NDF, iba pang rebeldeng grupo pinagkalooban ng amnestiya ni PBBM
Binigyan ng amnestiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF at iba pang mga rebeldeng grupo.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa bisa ng Proclamation Nos. 403, 404, 405 at 406, pinagkalooban ng amnestiya ang sumusunod na mga grupo:
– Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB)
– Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF)
– Moro Islamic Liberation Front (MILF)
– Moro National Liberation Front (MNLF)
Ayon sa PCO, ibinigay ang amnestiya para mahikayat ang mga rebelde na sumuko sa mga otoridad.
Hindi naman sakop ng proklamasyon ang mga kasong may kaugnayan sa kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism, crimes committed against chastity sa ilalim ng Revised Penal Code, at may kaugnayan sa illegal drugs.
Hindi rin sakop ang mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Genevaa Convention of 1949, genocide,
crimes against humanity, war crimes, torture, enforced disappearances, at iba pang matitinding paglabag sa karapatang pantao. (DDC)